Ito po ay patungkol sa kabuhayan at iba pang maaring makatulong sa lipunan
Wikipedia
Mga resulta ng paghahanap
Translate
Huwebes, Nobyembre 21, 2013
How to Remove Blackheads and Whiteheads
Blackheads and whiteheads are common problem among those who have oily skin apart from this it also is one of the problems among teenagers which often also stays on irrespective of their age which might even extend to twenties, thirties and forties.
What causes blackheads and whiteheads?
Everyone is not aware of the self-moisturizing mechanism out skin has which is through sebaceous glands which secretes oil named sebum which are stored in follicles. Based on this mechanism whenever the follicle becomes full oil is spilled onto the skin which helps in keeping the skin healthy and moisturized, however there is small portion of oil trapped inside this follicle instead of just flowing onto the skin.
This results in development of bacteria in the follicle itself which ultimately leads to creation of pimple though there are also times when instead of infection everything gets clogged up in follicle to form comedones which are commonly referred to as whiteheads and blackheads.
What is the difference between a blackhead and a whitehead?
Whenever the follicle opening becomes wider than its normal size is the reason formation of comedone named blackhead, since the sebum and dead skin cells which have been trapped react chemically with air that finally results in oxidation of melanin which is the actual reason for its black color.
While the whitehead is formed due to the hair follicle’s lack of exposure to air which clogs up the sebum and dead skin cells however the color it gets is due to the lack of exposure to air which does not allow oxidation of melanin hence the clogged matter remains white in color.
How do we get rid of blackheads and whiteheads?
Little patience and time are enough along with consistent use to maintain clear skin, there are several products which might be suggested by dermatologist however among these also there are certain products which are expensive and take much longer time to show their actual purpose. However here are some easy to follow home remedies which can be included in daily beauty regime which will eventually show improvement or even total elimination.
Toothpaste – It is one of the effective removers of blackheads and whiteheads, for which a thin layer of this has to be applied on the infected areas after which it has to be left on for face for about 25 minutes. Though initially there might be slightly burning sensation later it will get normal which when removed will almost disappear the top of blackheads and whiteheads for which it will be necessary to wash the face thoroughly. This procedure will be helpful to those who follow it for every two weeks.
Tomato
Antiseptic properties of tomato have the ability to dry up the whiteheads and blackheads for which the tomato has to be mashed after peeling and applied on blackheads and whiteheads it is even best to leave it on while sleeping which has to be washed in morning with warm water.
Lemon –
Wash the face with warm water before applying this mixture of lemon juice with pinch of salt after which it has to be applied on blackheads and whiteheads. This mixture has to be left on face for about 20 minutes after which it has to be once again cleaned with warm water.
Lime –
Mixing equal quantities of lime juice and cinnamon powder also can be applied for blackheads which have to be left on for entire night and washed in the morning.
Cornstarch –
Mix Vinegar and cornstarch in 1:3 ratio to make it a paste which has to be applied on problem area for about 15 to 30 minutes later washing it with warm water.
Yogurt -
Mix two tablespoons of oatmeal with three tablespoons of yogurt along with teaspoon of olive oil and one tablespoon of lemon juice which has to be applied on face to sit on for about five to seven minutes later washing off with cold water.
Almond or Oatmeal –
Paste has to be made from oatmeal or almond powder with sufficient rose water and applied on problem areas with fingertips on entire face for about 15 minutes and washed off with cold water.
Rice –
Soak rice for 5 hours in milk after which it has to be made paste in blender which has to be used as scrub on affected areas of body.
Coriander leaves –
Mix coriander leaves and turmeric with water to makes paste which has to be used as mask to remove blackheads.
Honey –
Honey is best choice to remove blackheads for which it only has to be spread across those areas which have lot of blackheads.
Potatoes –
Grated potatoes have to be rub on area with blackheads and left on for 15 minutes after which it has to be washed off.
Baking Soda –
Mixing equal parts of baking soda and water will make a paste which has to be rubbed onto the face or other body parts which are prone to blackheads and has to be left on for about 15 minutes after which it has to be washed on with warm water.
Remember – Be gentle to your skin. Never pinch, scrape, poke, press, or squeeze too hard!
Credit to (http://www.myhealthtips.in)
DOST-ARMM launches Project NOAH app
Myrah Alih, DOST-ARMM secretary, presents to the media on Tuesday, November 19 the recently launched free phone app that allows users to access weather information through DOST’s Project NOAH (Nationwide Overall Assessment Hazards). A total of 36 weather stations will be put up in strategic locations across the region to gather weather forecasting data. Omar Mangorsi (From GMA 7)
Sabado, Mayo 4, 2013
PAGSUSURI SA SARILI PARA SA NEGOSYO
PAGSUSURI SA SARILI
Taglay mo ba ang mga katangian at kakayahang kailangan sa pagiging entreprenor? May mga katangian at kakayahan na kailangan sa pagsisimula at pagpapatakbo ng sariling negosyo. Taglay mo ba ang mga ito?
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Pagtukoy at paghanap ng mga oportunidad • Nakikita mo ba ang mga dumarating na oportunidad para magnegosyo? • Gumagawa ka ba ng aksyon para matugunan ang mga ito? • Nakakikita ka ba ng di-pangkaraniwang oportunidad upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o puwesto? Madali ka bang makahanap ng tulong o assistance sa pagnenegosyo?
2. Pagpupursigi • Patuloy ka bang gumagawa ng paraan upang malutas ang mga problema? • Nagagawa mo bang magsipag, magpumilit, at magsakripisyo upang matapos ang isang gawain? • Pinaninindigan mo ba ang sariling desisyon at paniniwala sa kabila ng batikos at kabiguan?
3. Pagpapahalaga sa pangako at pagiging responsable • Pinananagutan mo ba ang mga problemang kinakaharap? • Handa ka bang makipagtulungan sa iyong mga tauhan sa pagtatrabaho para lang makatupad sa ipinangako mo sa customer? • Nagsusumikap ka ba upang masiyahan ang mga customer?
4. Kakayahang makipagsapalaran • Kung napag-isipan mo na ang isang bagay, malakas ba ang iyong loob na makipagsapalaran para rito? • Pipiliin mo ba ang katamtaman lamang na pakikipagsapalaran (moderate risk-taking) kaysa pagiging sobrang sigurista (low risk-taking) sa isang banda, o parang pakikipagsugal (high risk-taking) sa kabilang banda?
5. Pagtiyak sa mataas na kalidad ng produkto o serbisyo • Lagi mo bang sinisikap na mapaigi pa ang iyong gawa? • Gusto mo ba ang maging mahusay sa lahat ng iyong gawa? • Pag may ginagawa kang isang bagay, sinisikap mo bang laging pagandahin ito sa abot ng iyong makakaya?
6. Paggawa ng plano • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malapit na hinaharap (short-term planning)? • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malayong hinaharap (long-term planning)?
7. Pagkalap ng impormasyon • Kaya mo bang mangalap ng impormasyon tungkol sa iyong mga customer, supplier, at kakumpetensiya? • Kumukunsulta ka ba sa mga eksperto? • Kumukuha ka ba ng impormasyon mula sa iyong mga kakilala, kamaganak, kaibigan at iba pang mga contacts?
8. Masistemang pagpaplano at pagsubaybay sa negosyo • Nakabubuo ka ba ng malinaw na mga hakbangin patungo sa katuparan ng iyong mga hangarin? • Nasusubaybayan mo ba ang pagsulong ng iyong negosyo? Handa ka bang magpalit ng istratehiya kung kinakailangan?
9. Paghihikayat at pag-aaruga sa mga connection • Kaya mo bang manghikayat ng ibang tao? • Nagagamit mo ba ang iyong mga kaibigan, kamag-anak, kasamahan at iba pang connection upang makuha ang iyong gusto?
10. Tiwala sa sarili • May tiwala ka ba sa iyong kakayahan na makatapos ng isang mahirap na gawain o humarap sa mabigat na problema?
Kamay at Kalusugan
Biyernes, Mayo 3, 2013
PAGSISIMULA NG ISANG MALIIT NA NEGOSYO
PAGSISIMULA NG ISANG
MALIIT NA NEGOSYO:
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN:
Pagtaya sa sarili:
Taglay mo ba ang mga katangiang kinakailangan?
Pagtaya sa kapaligiran:
MGA HAKBANG NA SUSUNDIN:
Pagtaya sa sarili:
Taglay mo ba ang mga katangiang kinakailangan?
Pagtaya sa kapaligiran:
- Ano ang mga nariyan na makakatulong sa pagsisimula?
- Ano naman ang mga hadlang sa pagsisimula?
- Pagpili ng produkto, serbisyo o uri ng negosyo Pagbuo ng iyong plano sa pagnenegosyo (Business Plan)
- Aspeto ng kung paanong ibebenta ang produkto (Marketing Aspect)
- Aspeto ng kung paano gagawin ang produkto (Production Aspect) .
- Aspeto ng pag-organisa ng mga tauhan(Organizational Aspect) ·
- Aspeto ng pananalapi (Financial aspect) Paglikom ng puhunan Pagtukoy sa mapagkukuhanan ng iba pang kinakailangang tulong Pagpili sa lugar ng negosyo
- Pagrehistro ng iyong negosyo Pagkuha at pagsasanay ng mga empleyado
Huwebes, Mayo 2, 2013
MGA DI-KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO
MGA DI-KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO
Puwede ka ring malugi
Siyempre, hindi mawawala ang posibilidad na malugi sa isang negosyo.
May mga bumabagsak dito dahil lamang sa isang maling desisyon.
Pabagu-bago ang lagay ng kalakalan at ekonomiya
Sa kasamaang-palad, madaling maapektuhan ang isang maliit na negosyo
ng biglang pagbabago ng lagay ng kalakalan. Mahihirapan dito ang negosyo,
lalo na kung wala itong angkop na organisasyon o sapat na pananalapi.
Mahabang oras kang magtatrabaho
Humandang maglaan ng maraming oras para sa iyong negosyo. Dahil
dito, maaaring kailanganin mo ring isakripisyo ang oras para sa pamilya at
mga personal na interes.
Maaring may mga di-inaasahan o di kanais-nais na mga
responsibilidad
Isang araw baka matuklasan mo na may mga pananagutan ka na hindi
mo inaasahan, hindi mo kaya, o hindi mo gustong pasanin.
Miyerkules, Mayo 1, 2013
MGA KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO
Maaari kang kumita ng malaki
Walang limitasyon ang maaari mong kitain kung mayroon kang sariling
negosyo. Depende ‘yun sa panahon at pagsisikap na ibibigay mo sa iyong
negosyo. Pwede kang yumaman kung ikaw ay masipag at matiyaga, at kung
mayroon kang tamang produkto sa tamang lugar at sa tamang panahon.
Ikaw na mismo ang sariling amo
Dahil ikaw ang namamahala sa sarili mong negosyo, ikaw rin ang gumagawa
ng mga desisyon at mananagot dito. Kaya lang, kikita o malulugi ka depende
kung tama o mali ang iyong desisyon. Di nga kasi, bilang amo, ikaw na mismo
ang magbibigay direksiyon sa iyong negosyo. Higit mo kasing alam kung ano
ang gusto mong marating.
May pagkakataong kang maging malikhain
Alam mo bang ang isang negosyo ay kadalasang galing sa malikhaing o
creative ideya? Kung mayroon kang mga malikhaing ideya, maisasakatuparan
mo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong mga produkto at pamamahala sa
negosyo.
Matutupad mo ang iyong mga hangarin
Ang makapagsimula ka ng sariling negosyo ay maituturing nang isang
tagumpay. Mahirap kasi ito. Ngunit ang paghawak mo sa negosyo ay talagang
susubok sa kakayahan mo sa pamamahala. Ngayon, depende na sa
kakayahan mo kung matutupad ang iyong mga hangarin sa iyong negosyo.
Makatutulong ka sa kapwa
Natural lamang na kukuha ka ng mga empleyado. Ang pasahod mo sa kanila
ay makatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay. At habang lumalago ang iyong
negosyo, natutulungan mo rin ang mga supplier, kontratista, at iba pang may
kaugnayan sa iyong negosyo.
Makapagbibigay ka ng natatanging pamana sa pamilya
Maaari mong ipamana sa iyong mga mahal sa buhay ang iyong negosyo.
Magandang pamana ito. Katangi-tangi. Unang-una, makapagbibigay ito ng
matatag na hanapbuhay sa ilan sa kanila. Pangalawa, matututunan din nila
ang buhay at pananaw ng pagiging entreprenor na pwede rin nilang isalin sa
mga susunod pang henerasyon.
ANG PAGNENEGOSYO, KAILANGAN NGA BA?
ANG PAGNENEGOSYO:
KAILANGAN NGA BA?
Kung ikaw ay nagnenegosyo, ikaw ay isang entreprenor – isang taong
nagtatrabaho para sa sarili at hindi para sa iba.
Ang pagiging entreprenor ay isang pananaw at pamumuhay. Kailangan mo
rito ang mga kakayahan. Unang-una na rito ang kakayahang kumilala at
gumamit ng business opportunities. Dapat ding alam mo ang mga paraan
kung paano magsimula at manatili sa negosyo.
Ang karamihan sa atin ay naglilingkod para sa iba. Sa katagalan, ang ilan ay
umaangat sa puwesto at gumaganda ang buhay. Ngunit ang nakararami ay
tila napag-iiwanan at nananatili sa trabahong walang hamon at mababa ang
kita.
Marahil ito ang naiisip ng iba: “Bakit naman ako magpupundar ng negosyong
hindi tiyak ang tagumpay, kung mayroon naman akong matatag at
permanenteng hanapbuhay — tiyak pa ang buwanang kita, at di na ako
kailangang makipagsapalaran!”
Sa madaling salita, anong mapapala sa pagiging entreprenor na wala sa
pagiging empleyado?
Kung may balak kang maging entreprenor, marapat lang na pag-aralan mo
ang nakabubuti at di-nakabubuting aspeto sa pagpasok sa negosyo.
Linggo, Pebrero 17, 2013
Ang pagtatapos ng Pag-aaral
Salamat at makakatapos na ako ng Pag-aaral.
Marami ang nagpapasalamat tuwing araw ng pagtatapos, lalo na ang mga magulang na hirap na sa pagpapa aral ng kanilang mga anak..
Ngayon ang tanong..Pagkatapos mag-arral ano kasunod?
Trabaho?Negosyo?at iba pang pwedeng pagkakitaan?
paano kung walang makuhang hanap buhay?paano kung hindi na kailangan ng pinagtapusan mo?
Marami ang ganitong sitwasyon sa ating mga Pilipino....
pagkatapos itanong sa sarili kung paano na ang buhay pag walang hanap buhay,,,ang sisisihin ay Gobyerno...
Isa lang ito sa mga solusyon sa ating buhay na maaring gawin natin...
1. Magpasalamat at nakatapos sa Pag-aaral.
- maraming tao na nakatapos pero walang pagpapahalaga sa kanilang pinag aralan, at walang pakialam sa mga nagpapakahirap makatapos lang siya ng pag-aaral...marahil marami siyang pera...
2. Matuto tayong maghintay yung dapat talagang para sa atin.
- dumadating ang mga bagay sa ating buhay pag marunong tayong maghintay...pag inaapura natin minsan ang sarili natin hindi pa handa sa mga responsibilidad sa negosyo man o sa anumang uri na hanap buhay.
MAGHINTAY.
3. Alisin ang pressure sa sarili, minsan ang nagtutulak sa atin na gumawa ng kahit ano nalang yung pressure sa sarili, yung mga sinasabi ng ibang tao...minsan yun yung nagpapahirap sa ating kalooban, at ito din ang dahilan kung bakit tayo nag mumokmok sa isangsulok...kung maalis lang natin ito maari tayong magkaroon ng kapanatagan.
4. Alisin ang inggit sa ibang mga kaibigan, minsan ito din ang naging dahilan bakit tayo nahihiya sa ating sarili,,pero hindi natin alam na may natatago tayong galing, hindi panga lang dumarating sa atin ang tamang panahon.
5. Magkaroon tayo ng ebalwasyon sa ating mga pinag daanan kung saang antas na tayo sa ating pamumuhay, at doon natin makikita na malaki din ang pinagbago ng ating buhay simula nang tayo ay makatapos ng pag-aaral.
6. Gawin natin ang dapat nating gawin sa hinaharap...
7. Anoman ang kinahinatnan ng ating mga ginawa wala dapat tayong sisihin, dahil ginusto natin ang lahat ng ginawa natin...at inaani lang natin ito...
salamat po and God bless to all
Miyerkules, Pebrero 13, 2013
Pagmamahal Ko Sayo
Maraming nagtatanong bakit kung sino pa ang mahal mo sya pa yung nanakit sayo?
Maari nating itanong bakit nga ba?
ito ang ilan sa mga dahilan:
1. Meron kayong ugnayan.
2. Kilala mo sya.
3. Gusto mo ikaw lang sa buhay nya.
4. Gusto mo ikaw lang nagpapasaya sa kanya.
5. Gusto mong laging napapansin nya.
ilan lang yan sa mga dahilan bakit tayo nasasaktan sa mga sinasabing mahal natin..
Ano naman ang kailangan gawin para di masaktan?
1. Ituon natin sa Dios ang ating atensyon.
2. Ituon natin ang atensyon sa nagpapahalaga sa atin tulad ng Family at iba pang nakikitang nagmamahal sa atin..
3. Alisin natin yung salitang "GUSTO KO" ito kasi ang nagpapabigat sa atin kung bakit tayo nahihirapan, dahil yung gusto mo lang, paano ang gusto ng iba? kailangan nating alisin ang pagiging makasarili.
Thanks and God Bless..
Maari nating itanong bakit nga ba?
ito ang ilan sa mga dahilan:
1. Meron kayong ugnayan.
2. Kilala mo sya.
3. Gusto mo ikaw lang sa buhay nya.
4. Gusto mo ikaw lang nagpapasaya sa kanya.
5. Gusto mong laging napapansin nya.
ilan lang yan sa mga dahilan bakit tayo nasasaktan sa mga sinasabing mahal natin..
Ano naman ang kailangan gawin para di masaktan?
1. Ituon natin sa Dios ang ating atensyon.
2. Ituon natin ang atensyon sa nagpapahalaga sa atin tulad ng Family at iba pang nakikitang nagmamahal sa atin..
3. Alisin natin yung salitang "GUSTO KO" ito kasi ang nagpapabigat sa atin kung bakit tayo nahihirapan, dahil yung gusto mo lang, paano ang gusto ng iba? kailangan nating alisin ang pagiging makasarili.
Thanks and God Bless..
Linggo, Enero 6, 2013
Bakit siya?
Minsan marami tayong kinaiinggitan at minsan nagtataka tayo kung sino pa ang walang pakinabang o mandarambong sa lipunan sya pa ang umaangat sa buhay, bakit nga ba?tunghayan natin ang isang kwento sa Banal na kasulatan
Lucas 19:1-10
9 Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham.
10 Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.
Anong katangian ni Zaqueo bakit sa dami ng tao at marami ang sumusunod sa Dios, bakit sya pa ang binigyan ng halaga ni Jesus?
v. 3-4 Nais ni Zaqueo na makita si Jesus at gumagawa sya ng paraan para lang matagpuan nya kung sino talaga si Jesus.
Tatlong bagay ang dapat nating tandaan:
1. Kailangan natin ng paghahangad na makita kung ano ang ating gusto sa buhay.
2. Kailangan nating gumawa ng paraan para maabot natin kung ano ang ating hinhangad na maabot.
3. Kalimutan ang mga nakaraang maling gawain bagkus ituon sa pagbabago at sa hinaharap.
Salamat po...
Lucas 19:1-10
Lucas 19:1-10
Ang Salita ng Diyos (SND)
Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis
1 Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico. 2 Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punongmaniningil ng buwis at siya ay mayaman. 3 Hinahangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay mababa. 4 At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon daraan si Jesus.
5 Nang
dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si
Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali kang bumaba
sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. 6 Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.
7 Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilang sinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.
8 Si
Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang
kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang
aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko
nang makaapat na ulit.
10 Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.
Anong katangian ni Zaqueo bakit sa dami ng tao at marami ang sumusunod sa Dios, bakit sya pa ang binigyan ng halaga ni Jesus?
v. 3-4 Nais ni Zaqueo na makita si Jesus at gumagawa sya ng paraan para lang matagpuan nya kung sino talaga si Jesus.
Tatlong bagay ang dapat nating tandaan:
1. Kailangan natin ng paghahangad na makita kung ano ang ating gusto sa buhay.
2. Kailangan nating gumawa ng paraan para maabot natin kung ano ang ating hinhangad na maabot.
3. Kalimutan ang mga nakaraang maling gawain bagkus ituon sa pagbabago at sa hinaharap.
Salamat po...
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)