Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Translate

Linggo, Enero 6, 2013

Bakit siya?

Minsan marami tayong kinaiinggitan at minsan nagtataka tayo kung sino pa ang walang pakinabang o mandarambong sa lipunan sya pa ang umaangat sa buhay, bakit nga ba?tunghayan natin ang isang kwento sa Banal na kasulatan

Lucas 19:1-10

Lucas 19:1-10

Ang Salita ng Diyos (SND)

Si Zaqueo, ang Maniningil ng Buwis

1 Pumasok at dumaan si Jesus sa Jerico. Naroroon ang isang lalaking nagngangalang Zaqueo. Siya ay punongmaniningil ng buwis at siya ay mayaman. Hinahangad niyang makita kung sino si Jesus. Hindi niya ito magawa dahil sa napakaraming tao, sapagkat siya ay mababa. At tumakbo siya sa unahan at umakyat sa isang puno ng sikamoro upang makita si Jesus sapagkat sa daang iyon daraan si Jesus.
Nang dumating si Jesus sa dakong iyon, tumingala siya at nakita niya si Zaqueo. Sinabi ni Jesus sa kaniya: Zaqueo, magmadali kang bumaba sapagkat sa araw na ito ay kinakailangang manatili ako sa iyong bahay. Nagmamadali siyang bumaba at nagagalak niyang tinanggap si Jesus.
Nang makita ito ng lahat, nagbulung-bulungan sila. Kanilang sinabi: Manunuluyan siya sa isang makasalanan.
Si Zaqueo ay nakatayo at sinabi niya sa Panginoon: Narito, Panginoon, ang kalahati ng aking tinatangkilik ay ibibigay ko sa mga dukha. Anuman ang aking nakuha sa pamamagitan ng maling paraan sa sinuman ay ibabalik ko nang makaapat na ulit.
Sinabi ni Jesus sa kaniya: Sa araw na ito, dumating sa bahay na ito ang kaligtasan sapagkat siya ay anak rin ni Abraham.
10 Ang Anak ng Tao ay pumarito upang hanapin at iligtas ang nawala.

Anong katangian ni Zaqueo bakit sa dami ng tao at marami ang sumusunod sa Dios, bakit sya pa ang binigyan ng halaga ni Jesus?

v. 3-4  Nais ni Zaqueo na makita si Jesus at gumagawa sya ng paraan para lang matagpuan nya kung sino talaga si Jesus.

Tatlong bagay ang dapat nating tandaan:
1. Kailangan natin ng paghahangad na makita kung ano ang ating gusto sa buhay.
2. Kailangan nating gumawa ng paraan para maabot natin kung ano ang ating hinhangad na maabot. 
3. Kalimutan ang mga nakaraang maling gawain bagkus ituon sa pagbabago at sa hinaharap.
   
Salamat po... 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento