Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Translate

Linggo, Pebrero 17, 2013

Ang pagtatapos ng Pag-aaral

Salamat at makakatapos na ako ng Pag-aaral. Marami ang nagpapasalamat tuwing araw ng pagtatapos, lalo na ang mga magulang na hirap na sa pagpapa aral ng kanilang mga anak.. Ngayon ang tanong..Pagkatapos mag-arral ano kasunod? Trabaho?Negosyo?at iba pang pwedeng pagkakitaan? paano kung walang makuhang hanap buhay?paano kung hindi na kailangan ng pinagtapusan mo? Marami ang ganitong sitwasyon sa ating mga Pilipino.... pagkatapos itanong sa sarili kung paano na ang buhay pag walang hanap buhay,,,ang sisisihin ay Gobyerno... Isa lang ito sa mga solusyon sa ating buhay na maaring gawin natin... 1. Magpasalamat at nakatapos sa Pag-aaral. - maraming tao na nakatapos pero walang pagpapahalaga sa kanilang pinag aralan, at walang pakialam sa mga nagpapakahirap makatapos lang siya ng pag-aaral...marahil marami siyang pera... 2. Matuto tayong maghintay yung dapat talagang para sa atin. - dumadating ang mga bagay sa ating buhay pag marunong tayong maghintay...pag inaapura natin minsan ang sarili natin hindi pa handa sa mga responsibilidad sa negosyo man o sa anumang uri na hanap buhay. MAGHINTAY. 3. Alisin ang pressure sa sarili, minsan ang nagtutulak sa atin na gumawa ng kahit ano nalang yung pressure sa sarili, yung mga sinasabi ng ibang tao...minsan yun yung nagpapahirap sa ating kalooban, at ito din ang dahilan kung bakit tayo nag mumokmok sa isangsulok...kung maalis lang natin ito maari tayong magkaroon ng kapanatagan. 4. Alisin ang inggit sa ibang mga kaibigan, minsan ito din ang naging dahilan bakit tayo nahihiya sa ating sarili,,pero hindi natin alam na may natatago tayong galing, hindi panga lang dumarating sa atin ang tamang panahon. 5. Magkaroon tayo ng ebalwasyon sa ating mga pinag daanan kung saang antas na tayo sa ating pamumuhay, at doon natin makikita na malaki din ang pinagbago ng ating buhay simula nang tayo ay makatapos ng pag-aaral. 6. Gawin natin ang dapat nating gawin sa hinaharap... 7. Anoman ang kinahinatnan ng ating mga ginawa wala dapat tayong sisihin, dahil ginusto natin ang lahat ng ginawa natin...at inaani lang natin ito... salamat po and God bless to all

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento