PAGSUSURI SA SARILI
Taglay mo ba ang mga katangian at kakayahang kailangan sa pagiging entreprenor? May mga katangian at kakayahan na kailangan sa pagsisimula at pagpapatakbo ng sariling negosyo. Taglay mo ba ang mga ito?
Sagutin ang mga sumusunod:
1. Pagtukoy at paghanap ng mga oportunidad • Nakikita mo ba ang mga dumarating na oportunidad para magnegosyo? • Gumagawa ka ba ng aksyon para matugunan ang mga ito? • Nakakikita ka ba ng di-pangkaraniwang oportunidad upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o puwesto? Madali ka bang makahanap ng tulong o assistance sa pagnenegosyo?
2. Pagpupursigi • Patuloy ka bang gumagawa ng paraan upang malutas ang mga problema? • Nagagawa mo bang magsipag, magpumilit, at magsakripisyo upang matapos ang isang gawain? • Pinaninindigan mo ba ang sariling desisyon at paniniwala sa kabila ng batikos at kabiguan?
3. Pagpapahalaga sa pangako at pagiging responsable • Pinananagutan mo ba ang mga problemang kinakaharap? • Handa ka bang makipagtulungan sa iyong mga tauhan sa pagtatrabaho para lang makatupad sa ipinangako mo sa customer? • Nagsusumikap ka ba upang masiyahan ang mga customer?
4. Kakayahang makipagsapalaran • Kung napag-isipan mo na ang isang bagay, malakas ba ang iyong loob na makipagsapalaran para rito? • Pipiliin mo ba ang katamtaman lamang na pakikipagsapalaran (moderate risk-taking) kaysa pagiging sobrang sigurista (low risk-taking) sa isang banda, o parang pakikipagsugal (high risk-taking) sa kabilang banda?
5. Pagtiyak sa mataas na kalidad ng produkto o serbisyo • Lagi mo bang sinisikap na mapaigi pa ang iyong gawa? • Gusto mo ba ang maging mahusay sa lahat ng iyong gawa? • Pag may ginagawa kang isang bagay, sinisikap mo bang laging pagandahin ito sa abot ng iyong makakaya?
6. Paggawa ng plano • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malapit na hinaharap (short-term planning)? • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malayong hinaharap (long-term planning)?
7. Pagkalap ng impormasyon • Kaya mo bang mangalap ng impormasyon tungkol sa iyong mga customer, supplier, at kakumpetensiya? • Kumukunsulta ka ba sa mga eksperto? • Kumukuha ka ba ng impormasyon mula sa iyong mga kakilala, kamaganak, kaibigan at iba pang mga contacts?
8. Masistemang pagpaplano at pagsubaybay sa negosyo • Nakabubuo ka ba ng malinaw na mga hakbangin patungo sa katuparan ng iyong mga hangarin? • Nasusubaybayan mo ba ang pagsulong ng iyong negosyo? Handa ka bang magpalit ng istratehiya kung kinakailangan?
9. Paghihikayat at pag-aaruga sa mga connection • Kaya mo bang manghikayat ng ibang tao? • Nagagamit mo ba ang iyong mga kaibigan, kamag-anak, kasamahan at iba pang connection upang makuha ang iyong gusto?
10. Tiwala sa sarili • May tiwala ka ba sa iyong kakayahan na makatapos ng isang mahirap na gawain o humarap sa mabigat na problema?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento