Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Translate

Miyerkules, Mayo 1, 2013

MGA KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO

Maaari kang kumita ng malaki Walang limitasyon ang maaari mong kitain kung mayroon kang sariling negosyo. Depende ‘yun sa panahon at pagsisikap na ibibigay mo sa iyong negosyo. Pwede kang yumaman kung ikaw ay masipag at matiyaga, at kung mayroon kang tamang produkto sa tamang lugar at sa tamang panahon. Ikaw na mismo ang sariling amo Dahil ikaw ang namamahala sa sarili mong negosyo, ikaw rin ang gumagawa ng mga desisyon at mananagot dito. Kaya lang, kikita o malulugi ka depende kung tama o mali ang iyong desisyon. Di nga kasi, bilang amo, ikaw na mismo ang magbibigay direksiyon sa iyong negosyo. Higit mo kasing alam kung ano ang gusto mong marating. May pagkakataong kang maging malikhain Alam mo bang ang isang negosyo ay kadalasang galing sa malikhaing o creative ideya? Kung mayroon kang mga malikhaing ideya, maisasakatuparan mo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong mga produkto at pamamahala sa negosyo. Matutupad mo ang iyong mga hangarin Ang makapagsimula ka ng sariling negosyo ay maituturing nang isang tagumpay. Mahirap kasi ito. Ngunit ang paghawak mo sa negosyo ay talagang susubok sa kakayahan mo sa pamamahala. Ngayon, depende na sa kakayahan mo kung matutupad ang iyong mga hangarin sa iyong negosyo. Makatutulong ka sa kapwa Natural lamang na kukuha ka ng mga empleyado. Ang pasahod mo sa kanila ay makatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay. At habang lumalago ang iyong negosyo, natutulungan mo rin ang mga supplier, kontratista, at iba pang may kaugnayan sa iyong negosyo. Makapagbibigay ka ng natatanging pamana sa pamilya Maaari mong ipamana sa iyong mga mahal sa buhay ang iyong negosyo. Magandang pamana ito. Katangi-tangi. Unang-una, makapagbibigay ito ng matatag na hanapbuhay sa ilan sa kanila. Pangalawa, matututunan din nila ang buhay at pananaw ng pagiging entreprenor na pwede rin nilang isalin sa mga susunod pang henerasyon.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento