Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Translate

Sabado, Mayo 4, 2013

PAGSUSURI SA SARILI PARA SA NEGOSYO




PAGSUSURI SA SARILI 

Taglay mo ba ang mga katangian at kakayahang kailangan sa pagiging entreprenor? May mga katangian at kakayahan na kailangan sa pagsisimula at pagpapatakbo ng sariling negosyo. Taglay mo ba ang mga ito?

Sagutin ang mga sumusunod:

1. Pagtukoy at paghanap ng mga oportunidad • Nakikita mo ba ang mga dumarating na oportunidad para magnegosyo? • Gumagawa ka ba ng aksyon para matugunan ang mga ito? • Nakakikita ka ba ng di-pangkaraniwang oportunidad upang magkaroon ng puhunan, kagamitan, o puwesto? Madali ka bang makahanap ng tulong o assistance sa pagnenegosyo?

2. Pagpupursigi • Patuloy ka bang gumagawa ng paraan upang malutas ang mga problema? • Nagagawa mo bang magsipag, magpumilit, at magsakripisyo upang matapos ang isang gawain? • Pinaninindigan mo ba ang sariling desisyon at paniniwala sa kabila ng batikos at kabiguan?

3. Pagpapahalaga sa pangako at pagiging responsable • Pinananagutan mo ba ang mga problemang kinakaharap? • Handa ka bang makipagtulungan sa iyong mga tauhan sa pagtatrabaho para lang makatupad sa ipinangako mo sa customer? • Nagsusumikap ka ba upang masiyahan ang mga customer?

 4. Kakayahang makipagsapalaran • Kung napag-isipan mo na ang isang bagay, malakas ba ang iyong loob na makipagsapalaran para rito? • Pipiliin mo ba ang katamtaman lamang na pakikipagsapalaran (moderate risk-taking) kaysa pagiging sobrang sigurista (low risk-taking) sa isang banda, o parang pakikipagsugal (high risk-taking) sa kabilang banda?

5. Pagtiyak sa mataas na kalidad ng produkto o serbisyo • Lagi mo bang sinisikap na mapaigi pa ang iyong gawa? • Gusto mo ba ang maging mahusay sa lahat ng iyong gawa? • Pag may ginagawa kang isang bagay, sinisikap mo bang laging pagandahin ito sa abot ng iyong makakaya?

 6. Paggawa ng plano • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malapit na hinaharap (short-term planning)? • Nakagagawa ka ba ng malinaw na plano para sa malayong hinaharap (long-term planning)?

 7. Pagkalap ng impormasyon • Kaya mo bang mangalap ng impormasyon tungkol sa iyong mga customer, supplier, at kakumpetensiya? • Kumukunsulta ka ba sa mga eksperto? • Kumukuha ka ba ng impormasyon mula sa iyong mga kakilala, kamaganak, kaibigan at iba pang mga contacts?

8. Masistemang pagpaplano at pagsubaybay sa negosyo • Nakabubuo ka ba ng malinaw na mga hakbangin patungo sa katuparan ng iyong mga hangarin? • Nasusubaybayan mo ba ang pagsulong ng iyong negosyo? Handa ka bang magpalit ng istratehiya kung kinakailangan?

 9. Paghihikayat at pag-aaruga sa mga connection • Kaya mo bang manghikayat ng ibang tao? • Nagagamit mo ba ang iyong mga kaibigan, kamag-anak, kasamahan at iba pang connection upang makuha ang iyong gusto?

10. Tiwala sa sarili • May tiwala ka ba sa iyong kakayahan na makatapos ng isang mahirap na gawain o humarap sa mabigat na problema?

Kamay at Kalusugan

Press with thumb for 5 seconds & release for 3 seconds, in the affected point. Repeat for 2-3 minutes for 5 to 10 days. You will get relief.... sana po makatulong sa atin ito... salamat po...

Biyernes, Mayo 3, 2013

PAGSISIMULA NG ISANG MALIIT NA NEGOSYO

PAGSISIMULA NG ISANG MALIIT NA NEGOSYO: 

MGA HAKBANG NA SUSUNDIN:

 Pagtaya sa sarili: 
Taglay mo ba ang mga katangiang kinakailangan?

Pagtaya sa kapaligiran: 

  • Ano ang mga nariyan na makakatulong sa pagsisimula? 
  • Ano naman ang mga hadlang sa pagsisimula? 
  • Pagpili ng produkto, serbisyo o uri ng negosyo Pagbuo ng iyong plano sa pagnenegosyo (Business Plan) 
  •  Aspeto ng kung paanong ibebenta ang produkto (Marketing Aspect) 
  • Aspeto ng kung paano gagawin ang produkto (Production Aspect) .
  •  Aspeto ng pag-organisa ng mga tauhan(Organizational Aspect) ·
  •  Aspeto ng pananalapi (Financial aspect) Paglikom ng puhunan Pagtukoy sa mapagkukuhanan ng iba pang kinakailangang tulong Pagpili sa lugar ng negosyo 
  • Pagrehistro ng iyong negosyo Pagkuha at pagsasanay ng mga empleyado

Huwebes, Mayo 2, 2013

MGA DI-KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO

MGA DI-KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO Puwede ka ring malugi Siyempre, hindi mawawala ang posibilidad na malugi sa isang negosyo. May mga bumabagsak dito dahil lamang sa isang maling desisyon. Pabagu-bago ang lagay ng kalakalan at ekonomiya Sa kasamaang-palad, madaling maapektuhan ang isang maliit na negosyo ng biglang pagbabago ng lagay ng kalakalan. Mahihirapan dito ang negosyo, lalo na kung wala itong angkop na organisasyon o sapat na pananalapi. Mahabang oras kang magtatrabaho Humandang maglaan ng maraming oras para sa iyong negosyo. Dahil dito, maaaring kailanganin mo ring isakripisyo ang oras para sa pamilya at mga personal na interes. Maaring may mga di-inaasahan o di kanais-nais na mga responsibilidad Isang araw baka matuklasan mo na may mga pananagutan ka na hindi mo inaasahan, hindi mo kaya, o hindi mo gustong pasanin.

Miyerkules, Mayo 1, 2013

MGA KABUTIHAN NG PAGNENEGOSYO

Maaari kang kumita ng malaki Walang limitasyon ang maaari mong kitain kung mayroon kang sariling negosyo. Depende ‘yun sa panahon at pagsisikap na ibibigay mo sa iyong negosyo. Pwede kang yumaman kung ikaw ay masipag at matiyaga, at kung mayroon kang tamang produkto sa tamang lugar at sa tamang panahon. Ikaw na mismo ang sariling amo Dahil ikaw ang namamahala sa sarili mong negosyo, ikaw rin ang gumagawa ng mga desisyon at mananagot dito. Kaya lang, kikita o malulugi ka depende kung tama o mali ang iyong desisyon. Di nga kasi, bilang amo, ikaw na mismo ang magbibigay direksiyon sa iyong negosyo. Higit mo kasing alam kung ano ang gusto mong marating. May pagkakataong kang maging malikhain Alam mo bang ang isang negosyo ay kadalasang galing sa malikhaing o creative ideya? Kung mayroon kang mga malikhaing ideya, maisasakatuparan mo ang mga ito sa pamamagitan ng iyong mga produkto at pamamahala sa negosyo. Matutupad mo ang iyong mga hangarin Ang makapagsimula ka ng sariling negosyo ay maituturing nang isang tagumpay. Mahirap kasi ito. Ngunit ang paghawak mo sa negosyo ay talagang susubok sa kakayahan mo sa pamamahala. Ngayon, depende na sa kakayahan mo kung matutupad ang iyong mga hangarin sa iyong negosyo. Makatutulong ka sa kapwa Natural lamang na kukuha ka ng mga empleyado. Ang pasahod mo sa kanila ay makatutulong sa pag-angat ng kanilang buhay. At habang lumalago ang iyong negosyo, natutulungan mo rin ang mga supplier, kontratista, at iba pang may kaugnayan sa iyong negosyo. Makapagbibigay ka ng natatanging pamana sa pamilya Maaari mong ipamana sa iyong mga mahal sa buhay ang iyong negosyo. Magandang pamana ito. Katangi-tangi. Unang-una, makapagbibigay ito ng matatag na hanapbuhay sa ilan sa kanila. Pangalawa, matututunan din nila ang buhay at pananaw ng pagiging entreprenor na pwede rin nilang isalin sa mga susunod pang henerasyon.

ANG PAGNENEGOSYO, KAILANGAN NGA BA?

ANG PAGNENEGOSYO: KAILANGAN NGA BA? Kung ikaw ay nagnenegosyo, ikaw ay isang entreprenor – isang taong nagtatrabaho para sa sarili at hindi para sa iba. Ang pagiging entreprenor ay isang pananaw at pamumuhay. Kailangan mo rito ang mga kakayahan. Unang-una na rito ang kakayahang kumilala at gumamit ng business opportunities. Dapat ding alam mo ang mga paraan kung paano magsimula at manatili sa negosyo. Ang karamihan sa atin ay naglilingkod para sa iba. Sa katagalan, ang ilan ay umaangat sa puwesto at gumaganda ang buhay. Ngunit ang nakararami ay tila napag-iiwanan at nananatili sa trabahong walang hamon at mababa ang kita. Marahil ito ang naiisip ng iba: “Bakit naman ako magpupundar ng negosyong hindi tiyak ang tagumpay, kung mayroon naman akong matatag at permanenteng hanapbuhay — tiyak pa ang buwanang kita, at di na ako kailangang makipagsapalaran!” Sa madaling salita, anong mapapala sa pagiging entreprenor na wala sa pagiging empleyado? Kung may balak kang maging entreprenor, marapat lang na pag-aralan mo ang nakabubuti at di-nakabubuting aspeto sa pagpasok sa negosyo.