Wikipedia

Mga resulta ng paghahanap

Translate

Miyerkules, Enero 15, 2014

Nakakapagod Mabuhay

Sulat po ito ni Pastor Ed lapiz

May kasabihan sa Ingles, " It never rains, but it puors." Hindi lang  daw umuulan , bumubuhos pa. At ito'y karaniwang binabanggit nung mga nakararanas ng napakaraming sabay-sabay na mga dagok sa buhay. Maramign hirap, maraming pasanin, maraming mga sakit sa buhay. At maraming mga tao ang pagod na pagod na. Ang treatment nila sa kanilang buhay ay parang walang katapusang hirap. kung tayo man yun, ano ang mensahe sa atin ng Panginoon? At kung hindi tayo, paano tayo makapag lilingkod sa mga kapwa natin na ganito ang kalagayan sa buhay? Pagod ang isip, pagod ang puso pagod ang katawan.

I AM TOO TIRED

           People complain,"I am too tired. Pagod na ako. I'm tired of work. I'm of burden's I'm tired of heartaches and difficulties, of pain and sorrow of frustrations and rejection of want or poverty. I'm tired of sickness. Pagod na pagod na akong mahirapan lagi nalang kinakapos."

I WILL GIVE YOU A REST

           But what does the Bible say? What does God say? ang sagot nya, " I will give you rest." Pangako ng Panginoon."

          Matthew 11:28-30
v28"Come to me, all of you who are tired from carrying heavy loads, and I will give you rest. v29Take my yoke and put it on you, and learn from me, because I am gentle and humble in spirit; and you will find rest. v30For the yoke I will give you is easy, and the load I will put on you is light."

         Sabi ng Panginoon Hesus, " Lumapit kayo sa akin kayong mga napapagod, kayong nabibigatang lubha at kayo'y aking pagpapahingahin." Sabi pa niya, " Isuot nyo aking pamatok." Pamatok ang tawag sa sinusuot sa batok ng kabayo, baka at kalabaw, para hilahin nila ang anumang dapat nilang hilahin. at sa Israel uso ang pamatok na doble. Kung minsan doble, kasi dalawang baka yung magkasabay na humihila ng araro." Isuot mo aking pamatok," Sabi nya. In other words, AKO ANG INYONG MAGIGING PARTNER.

           Napapagod kayo kasi sinosolo ninyo. Napapagod kayo kasi sinasarili ninyo ang inyong problema ang inyong kabigatan. Napapagod kayo kasi nakikipartner kayo sa tao lang. Nakikipag business partner kayo sa mga nangwa-wan-tu-tri. Nakikipag-ibigan kayo sa mga hindi naman umiibig sa inyo. Nakikipagmabutihan kayo sa hindi naman mabuti sainyo. Umaasa kayo sa hindi nyo naman maasahan. Ipinapako nyo ang tuon nyo sa hindi naman pwdeng pagpakuan dahil lagi naman silang wala. Sabi nya," Narito ako. ako ang inyong partner nyo sa buhay. Take my yoke upon you. Burn from me. I am humble, I am gentle, I am kind.And my yoke is easy."

         Bakit daw madali ang gawain at pamatok ng Panginoon? Kasi siya yung gumagawa. Siya ang may kaya. Hindi naman natin kaya, eh. Akala nyo ba, yung mga doktor natin, sila talaga ang nagpapagaling? Hindi. Ang Panginoon. Nagiging instrument lang sila. Akala nyo ba, yung mga tumutulong sa atin, nagbibigay sa atin kung minsan ng pera at tulong, sila talaga ang pinagmumulan noon? Wala naman sila nun, eh, Nung ipinanganak sila, may dala ba silang ganon? Wala rin. Sa Panginoon din galing. Dumadaan din lamang sa kanila. Kung minsan bumibigat ang mga suliranin natin, bumibigat ang buhay, kasi nalilimutan natin na meron tayo dapat katuwang, at yun ay ang Panginoon.


         Remember, rest is not the absence of work or the absence of burden, but the presence of the Lord, our helper. Sabi niya, " Take my yoke upon you." Hindi niya sinabing, "O wala ka nang dadalhin. Bahala ka na sa buhay mo, wala ka nang dala." Ang sabi niya, " May dadalhin ka pero tutulungan kita. Halika, at tayo ang magkatulong diyan." At ayon sa mga pag-aaral sa kulturang Pilipino, ang isa sa mga pinakamatayog na layunin ng maraming-maraming kababayan natin ay ang kaginhawahan. Yan ang pangako ng Panginoon. Rest for the body. Gustung gudto niya pati katawan natin napapahinga. Kaya't may kautusan para sa mga amo at para sa mga maykapangyarihan, na dapat merong day-off ang kanilang mga empleyado. Merong sabbath day ang mga workers. Rest for the soul, rest for the spirit.

         May magsasabi naman, " Eh, paano ito, inis na inis na ako, galit na galit na ako sa mga may atraso sa akin." Alam nyo ang tinuturo ng Panginoon na paraan para mapahinga dyan? Magpatawad! Kaya hindi ka pa napapahinga, kasi hindi ka pa nagpapatawad. Magpatawad ka na lang, di napahinga ka. Yung pagpapatawad one way. Hindi nyo kailangan ng consent nila, hindi nyo kailangan ng pagpayag nila o cooperation nila. It's all in your heart. So if you give it, tapos na. Napahinga na kayo. Kaya kung minsan kung may sama pa tayo ng loob, galit pa tayo sa ating kapwa, ang totoo noon hindi pa kasi tayo nagpapatawad. So, hindi sila ang sisisihin natin. At sa lagay, ilalagay ninyo sa kapwa ang inyong ikabubuti, eh ang dami nang masasama sa mundo. Kung hindi kayo marunong magpatwad lugi kayo dahil kayo ang laging nagagalit. Kaya dala-dala nyo sa inyong kamay ang susi ng inyong kapayapaan.

          Magpatawad. HIndi nyo kailangan ang cooperation ng mga masasama sa paligid nyo. You can do it yourself. Sabi nyo, "Eh mahirap magpatawad." Totoo, pero mahirap din namang hindi magpatawad. Mahirap din lang pareho, magpatawad kana, napahinga ka pa.In forgetting, we have to learn to forgive. Kaya nga sabi sa Bible, Love keeps no record of wrongs. When we keep record of wrongs, we don't have rest. Kung sasabihin nyong, "Hindi, pinatawad na kita," pero galit parin kayo sa puso, eh hindi pa kayo totoong nagpapatawad. It's a lie. Rest! Kung pagod na kayo, God promises rest. Kaya kung minsan, yung mga taong hyperactive, nagkakasakit tuloy para maobligang mapahinga ang katawan. Kasi talagang pahinga ang kailangan ng ating sistema, katawan, puso at isip.

ITUTULOY PO ULIT.....................